Online application ipatutupad sa mga nais magpulis

IPATUTUPAD na ng National Police Commission (Napolcom) ang online application sa mga gustong magpulis.

Ayon kay Napolcom Regional Director Atty. Remeneo Valenzuela, magiging epektibo na ito ngayong taon upang mapadali na ang pagkuha ng application form.

Kasabay nito, hindi na sila mag-iisyu ng application forms, dahil makikita na ito sa kanilang website na www.napolcom.gov.ph at doon ay maaari nang mag-fill-up.

Makatatanggap ng letter reply ang mga aplikante kung sila ay kuwalipikado at ito ang kanilang ipapakita sa Naplocom Office para naman sa verification, evaluation at approval.

Magsisimula ang online application sa Pebrero 1 hanggang 13 at isasagawa ang pagsusulit sa Abril.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply