Opisina ni BOC Comm. Biazon amoy bulok na ebak

O ANO na ang nangyayari sa pier ng Maynila, lalo na mismo sa malapit sa main gate o Gate 3 at opisina pa mismo ni Commissioner Ruffy Biazon?

Aba, isang linggo nang umaalingasaw sa lugar na yan. Amoy bulok na ebak, sabi ng mga nakatira at nagtatrabaho sa lugar.

Sinubukan nating alamin ang katotohanan ng sumbong at dumaan tayo roon, Suki. Hindi lang pala amoy bulok na ebak kundi amoy Leonel…at ‘di ka makahihinga sa alingasaw.

Comm. Biazon, diyan na ba nagtatambak ng basura ang Leonel?

Mabuti kung kayo-kayo lang sa Bureau of Customs ang nakaaamoy at magkakasakit diyan. Pati ang mga nasa paligid ay nadadamay at halos hindi makahinga dahil sa baho sa lugar.

O Comm. Ruffy Biazon at Gen. Danny Lim, pakilinis naman ang inyong bakuran. Paano kayo makahuhuli ng ismagler kung mismong ang napakabahong basura ay hindi ninyo naaamoy sa loob ng inyong opis?

oOo

Maganda at may programa ang pamahalaan na ipagpapatuloy nito ang paglalagay ng mga makabagong traffic light sa Metro Manila.

Malaki ang maitutulong nito sa maayos na daloy ng trapiko.

Meron lang ilang bagay na nais nating linawin.

Por eksampol, yun bang pagpapalit ng ilaw mula sa go o grin sa stop o red, eh, mananatiling 3-4 segundo lamang? Tinatanong natin ito, Suki, dahil dito huli nang huli ang mga pulis at traffic enforcer.

Dahil sa bigat ng trapik kahit saan at dahil sa luwang ng maraming interseksyon, maraming sasakyan ang inaabutan ng red light sa gitna. Dito nanghuhuli ang mga hunghang na pulis at traffic enforcer.

Beating the red light ang ibinibintang sa mga motorista ngunit ang mga mata nila ay nakasiksik sa komisyon nila sa multa ng mga motorista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply