Opisyal ng EPD nanulot ng puwesto sa QCPD

PINAPUPUTOK ng kampo ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sigurado na itong mauupo bilang District Director ng Quezon City Police District (QCPD) kung kaya hindi nagtataka na makita ito sa mismong  tanggapan ni Quezon City Mayor Herbert H. Bautista.

Kinumpirma ng source ng Lily’s Files na kinausap ng  opisyal na ito si Mayor Bautista, para hilingin na kung puwede ay siya na lang ang maging district director ng QCPD dahil gusto raw nitong bago man lang siya mag-retiro ay maging Heneral muna.

At para maging Heneral ay kailangan muna niyang maging district director kung kaya inambisyon nitong kunin ang Quezon City para sa kanyang pansariling kapakanan kahit na sabihin pang may masasagasaan siya.

At dahil kaanib ang opisyal na ito ng pinakamakapangyarihang relihiyon sa bansa ay naging malakas ang kanyang loob para kausapin si Mayor Bistek at ang mga top brass ng PNP na gusto niyang kunin ang QCPD.

Ayon pa rin sa ating sources hindi umano nagbigay ng anomang assurance si Mayor Bistek na magiging district director ng QCPD ang nasabing opisyal.

Sa halip ay sinabi umano ni Mayor Bistek na mas gusto pa rin niya si QCPD director, Chief. Supt. George Regis, ang mamuno ng QCPD at malaki ang tiwala niya rito.

Mabuti na lang at may sariling paninindigan itong si Mayor Bistek at hindi nagpadala sa mga magagandang pangako ng opisyal.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit ang QCPD ang gustong makuhang puwesto ng opisyal na ito gayung isa ito sa pinaka-top brass ng Eastern Police District (EPD).

Bakit po ba QCPD, Sir?

Andiyan naman ang Pasig, Mandaluyong, San Juan at Marikina.

Magagandang lungsod din yan, bakit niyo isinisiksik ang sarili nyo sa Quezon City?

Sinabi pa ng ating source na ginagamit daw ng opisyal na ito ang kanyang pagiging kapatid kung kaya siniguro ng kanyang mga “tuta” na uupo ito bilang district director ng QCPD.

Kapal din naman ng mukha nitong si Sr. Supt. DVM ng EPD na isang PMAer batch ‘80.

Sayang ang pagiging  PMAer nito dahil hindi naman pala  marunong rumespeto sa kanyang mistah na si Gen. Regis.

Sa susunod po nating kolum tungkol sa opisyal na ito ay atin na pong papangalanan kung sino siya.

Hinihintay lang po ng inyong lingkod ang ilang dokumento ukol dito.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento ay mag-text lang sa 0915-5683000  o kaya ay mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply