Opisyal ng MMDA tepok sa riding-in-tandem

NAPATAY ang field operation officer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa tapat ng garahe ng kanilang bahay sa Fernando Street sa Barangka, Marikina City.

Ang bikitma na kinilalang si Cezar Bacani, 52, ay namatay bunga ng siyam na tama ng bala ng baril sa ulo, leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na kauuwi pa lang ng biktima at ng misis nito sa kanilang bahay matapos mag-grocery nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.

Hinala ng mga pulis na may kinalaman sa trabaho ni Bacani o personal na alitan ang motibo sa pagpatay sa kanya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply