2 Pinay binastos ng US Embassy official

NAGHARAP ng rekalamo ng dalawang estudyanteng Pinay laban sa isang mataas na opisyal ng United States (US) Embassy sa Maynila.

Ang reklamo ay nag-ugat dahil sa umano’y panghihiya at pambabastos sa kanila sa harap ng isang restaurant sa Makati.

Batay sa report ng Makati Police, papasok sana sa isang restaurant sa Jupiter Street sa Makati ang magkaibigang estudyante nang muntik na silang masagasaan ng sasakyan ng Amerikanong si Dean Chang na pinangalanan sa police blotter.

Sa halip umanong humingi ng paumanhin, minura at sinigawan pa raw sila nito ng umano’y opisyal.

Para maalis ang tensyon, nag-sorry na lang ang magkaibigan pero binalewala naman ito sa opisyal at sa halip ay pinagbantaan pa sila nito na sasagasaan sa susunod na pagkakataon.

Napag-alaman naman ng Makati Police na second secretary pala ng US Embassy sa Maynila si Chang at dahil mayroon itong diplomatic immunity ay hindi ito puwedeng kasuhan sa nangyaring insidente.

Sagot naman ng US Embassy sa kanilang official Twitter account, naayos na ang naturang kaso pero ayon sa mga biktima ay wala namang nangyaring pag-aayos.

Sa ngayon hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang US Embassy kaugnay dito pero ipagbibigay-alam na lang daw nila kung kailan nila ito sasagutin.

Samantala, batay sa abiso ng US Embassy, walang transaksyon ang kanilang tanggapan sa Lunes (Enero 16) araw dahil sa Martin Luther King Jr. Day na isang holiday.

Babalik na ang kanilang serbisyo sa Martes (Enero 17).

Ang pagkilala sa kabayanihan ni Reverend Martin Luther King, Jr. Ay isinasagawa taun-taon tuwing ikatlong Lunes ng buwan ng Enero.

Batay sa kasaysayan, nanguna siya sa pagsasagawa ng “non-violent activism” na nagbigay daan para lumawak at kilalanin ang civil rights movement sa Amerika.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply