Opisyal sa Al-barka ambush, isasalang na sa court martial

KINUMPIRMA ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Jessie Dellosa na matatanggap na niya ang resulta ng pre-trial investigation sa engkwentro sa Albarka Basilan na naganap noong Oktubre 18, 2011

Inaasahang sa susunod na linggo maibabahagi sa publiko ang ilan sa rekomendasyon ng Court of Inquiry na binuo para sa imbestigasyon sa pagkamatay ng 19 na sundalo.

Anumang araw sa susunod na linggo AY pahaharapin sa court martial ang mga sundalong posibleng makasuhan ng paglabag sa Articles of war 97 at Article 365 para sa negligence o kapabayaan.

Mabibigyang linaw kung saan nangyari ang enkwentro at kung tama ang iginiit ng militar na hindi teritoryo ng MILF ang napuntahan ng mga bagitong sundalo.

Pero kinontra naman ng mga rebelde at iginiit na “area of temporary stay” ng MILF ang sinugod ng militar.

Apat na opisyal na ng militar ang nasibak dahil sa nangyaring engkwentro.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply