P1.9B ilalaan sa mahihirap na mangingisda

MAGLALAAN ng halagang P1.9 bilyong pisong halaga ang Department of Agriculture para sa pagpapatupad ng malaking programa para sa pangisdaan sa mahihirap na komunidad sa mga kanayunan.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, layunin ng programa na makapag-produce ng mga de kalidad na supply ng mga world-class na produktong pangisdaan at aquaculture product para maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap na pamilya ng maliliit na manginngisda sa mga kanayunan.

Pangungunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nasabing programa na kinabibilangan ng pagpapatupad ng multi-species hatchery at aqua-silviculture projects sa mga komunidad; pagtatayo at pangangalaga sa 62 mariculture parks at siyam na regional at municipal fishports; pagpalawak at pagpaigting ng livelihhod program na palaisdaan; pagsasanay at technical assistance sa iba’t ibang lugar ng aquaculture, municipal, commercial, post-harvest, at regulatory services;  pagtatayo ng  hatcheries at nurseries; pagpapatupad ng Coastal Resource Management projects; operasyon ng  Monitoring Control at Surveillance (MCS) system; pagtiyak sa  global food safety standards; at ang aktbong partisipasyon sa Coral Triangle Initiative (CTI).

Sinabi pa ni Alcala na mabibigyan ng oportunidad ang mga mahihirap na residente sa bawat komunidad na kumita sa sarili nilang diskarte habang sa ilalim aniya ng aquasilvi program o pag-aalaga ng mga isda sa mga mangrove areas. Kailangan ang tulong ditto ng mga mangingisda sa pagtatanim ng mangrove trees at tuturuan din sila kung paano alagaan ang mga mamahaling isda gaya ng lapu-lapu, alimango at tilapia.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez naglaan na aniya ang kanyang ahensiya ng halagang P280.8 million para sa programa at tukoy na nila ang may 31 mga baybayin kung saan nila inisyal na ipapatupad ang programa.

Kasabay nito , nakipagkasundo na rin  ang BFAR sa may 40 mga unibersidad  at kolehiyo para ipakilala ang mga kursong fishery at aquaculture na magsisilbing  project managers ng mga komunidad na may multi-species hatchery.

Bawat isa aniya ay tataniman ng may 3,000 mangrove at bawat pamilya ng mga magsasaka na makikilahok sa programa ay babayaran ng halagang hanggang P5.50 kada puno ng mangrove (P1.50 para sa planting material, P2  para sa pagtatanim at P2 sa bawat puno na mabubuhay) kung kaya bawat pamilya ay maaring kumita ng hanggang P16,500 bawat ektarya. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply