P1-M pabuya vs Palparan aprub sa Malakanyang

APRUB sa Malakanyang ang pagpapalabas ng P1 milyong pabuya para sa ikadarakip ni Ret. Gen. Jovito Palparan.

Ipinagkibit-balikat ng Malakanyang ang mga batikos na kaya itinaas sa P1 milyon ang pabuya para sa ikadarakip kay Ret. Army Maj. Gen. Jovito Palparan ay dahil sa nahihirapang maaresto ito ng mga awtoridad.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na sang-ayon silang gawing P1 milyon ang bounty mula sa kalahating milyong piso upang mas madaling madakip si Palparan na una nang isinangkot sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP).

Una nang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na may mga lead na sila para sa ikadarakip ni Palparan ngunit nais lamang nilang makasigurong mahuhuli agad ito bago muling magtangkang lumabas ng bansa.

Hindi naman naalarma ang Palasyo sa mga lumabas na balita na nagpaplano na ang ilang mga retiradong heneral na patalsikin sa pwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III dahil hindi nila kursunada ang pamamalakad nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply