P10-M discount ni Corona sa Bellagio nabuking

NABUKING ang pagbibigay ng P10 milyon diskwento kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa mga binili niyang ari-arian sa Bellagio mula sa Megaworld property.

Nadiskubre ito ng prosekusyon matapos iharap ang finance director ng Megaworld na si Mr. Giovanni Ng at nagdiin sa mag-asawang Corona sa pagbili sa penthouse unit na nagkakahalaga ng P14.5 milyon.

Sa pagtatanong pa ni private prosecutor Joseph Perez kay Ng, lumabas na tatlong beses binayaran ng mag-asawang Corona ang Bellagio property kung saan una itong binayaran noong Abril 20, 2009 ng halagang P5 milyon, sinundan noong Oktubre 16,2009 na nagkakahalaga ng mahigit sa P4 milyon at Oct 17, 2008 na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Lumalabas din sa pahayag ni Ng na nakabili ng P6.1 milyon na condominium unit sa Mckinley Hill ang mag-asawang Corona subalit nakapangalan sa anak na si Ma. Charina Corona na binayaran din ng hulugan, na ang unang bayad ay noong July 2006 na mahigit sa P200,000, August 8, 2006 mahigit sa P400,000, September 2006-August 2008 ng halagang P5 milyon at August 29, 2008 na nagkakahalaga naman ng mahigit sa P4 milyon.

Bagamat nakapangalan kay Charina ang yunit ay nakapangalan naman ang resibo sa mag-asawang Corona dahil sa nasa ibang bansa noon ang nabanggit na anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply