P100-M shabu nakumpiska sa 3 dayuhan

AABOT sa P100 milyon halaga ng imported quality shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police na naging daan sa pagkakaaresto sa tatlong foreign national, sa ulat ng PNP-AIDSOT.

Ayon kay P/Sr. Supt Ismael Fajardo ng PNP-Anti Illegal Drug Special Operation Task Force, nadakip sa kanilang operasyon na nagsimula kaninang umaga at tumagal ng alas 2:00 ng hapon ang mga banyaga na sina Lin Ho Seng, Taiwanese, Lin hong Beng, Taiwanese at Hoy Heng Hung, isang  Chinese national.

Una rito ayon kay Fajardo ay nakipag-negotiate ang kanilang poseur buyer para makabili ng dalawang kilo ng shabu sa mga suspek.

Nang kumagat ang kausap at nagpositibo ang negosasyon ay nakumpiska sa mga suspek ang P100 million halaga ng shabu.

Pinaniniwalaang sangkot din ang mga naaresto sa pag-manufacture ng shabu sa Pilipinas bukod pa sa importasyon ng high grade shabu sa ibang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply