P100K halaga ng shabu nasamsam ng PDEA

TINATAYANG P100,000 halaga ng shabu at paraphernalia ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang pagsalakay sa isang subdivision sa Dasmarinas, Cavite.

Sa isang target na bahay sa Summerwind Subdivision natunton ng mga operatiba ng PDEA ang dalawang high -profile na suspek sa pagtutulak ng droga sa lugar na nakilalang sina Luz Orlaez at Arceli Dayrit pati na rin ang isang nagngangalang Reggie Penalosa . Natuklasan na ang mga shabu na naka-sachet na nasamsam sa mga suspek ay laboratory derified shabu na nabili umano ng mga ito sa halagang P25,000.

Hinihinalang may kaugnayan ang mga suspek sa Sarno Alindog Camaysa Group na nag-ooperate sa lalawigan ng Cavite. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply