P11-M La Vista property, nabili ni Corona nang walang source of income

NABUNYAG na nabili ng misis ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ang P11 milyong halaga ng La Vista property sa panahong wala siyang source of income.

Ito ang lumitaw sa testimonya ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares batay sa isinumiteng income tax return (ITR) ni Ginang Cristina Corona noong 2003.

Sa pamamagitan ng direct examination na isinagawa ni Private Prosecutor Atty. Arthur Lim, sinabi ni Henares na hindi nagsumite ng income tax return (ITR) at buwis si Cristina Corona mula 1992 hanggang 2002.

Nagparehistro lamang aniya si Ginang Corona bilang one time tax payer noong Setyembre 9, 2003 bilang bahagi ng transaksyon nang pagbili nito ng P11 milyong halaga ng La Vista property.

Kinuwestyon naman ni Presiding Officer Juan Ponce-Enrile kung bakit hindi umaksyon ang BIR sa pagkakabili ni Misis Corona ng naturang ari-arian nang walang source of income.

Sagot ni Henares, nangyari ang transaksyon bago pa siya maupo bilang BIR Commissioner at binabalak na rin nilang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay nito.

Dahil dito, hindi na pinayagan pa ni Enrile na sumagot si Henares tungkol dito dahil wala pa naman itong direktang kaalaman sa kaso.

Base na rin sa testimonya ni Henares, naging regular tax payer lamang si Misis Corona nang maupo na bilang director ng John Hay Management Corporation noong 2007.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply