P12B tax refund ng BOC, binubusisi ng COA

BINUBUSISI na ng Commission on Audit (COA) ang mahigit sa P12 bilyong halaga ng tax refund na inaprubahan ng Bureau of Customs (BOC) noong 2010.

Ayon sa COA, ilegal at paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines ang pag-apruba ng Customs sa refund para sa Value-Added Tax (VAT), gayundin sa input tax at Customs duties.

Binayad ito para sa mga produktong petrolyo na binili ng Petron at para sa pag-angkat ng krudo mula 2002 at 2005.

Nakasaad umano sa batas na puwede lang magbigay ng refund para sa mga imported fuel na ginagamit sa pakikipagnegosyo sa ibang bansa.

Paliwanag ng Customs, ang naturang refund ay dumaan sa pagsusuri at pag-aapruba ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply