P145.2M halaga ng mais, palay sinira ng baha

BUNGA ng pag-ulan at pagbaha sa ilang bayan sa Isabela ay malaking hektarya ng lupain ang naapektuhan kung saan umaabot sa P145.2 milyon halaga ng mais at palay ang nasira.

Ayon sa Department of Agriculture, lumalabas sa kanilang pinakahuling damaged assessment report na may kabuuang 14,170 magsasaka sa Isabela ang naapektuhan ng pagbaha.

Naapektuhan naman  ang 18,323 mula sa kabuuang 54,581 hektarayna na taniman ng mais doon.

Umaabot  sa 4,434 ang ganap na napinsala habang 13,789 hectktarya ang partially damaged.

May 10,935 hectktarya naman ang naapektuhan mula sa kabuuang 64,989 hektarya na na taniman ng palay kung saan P26.090 milyon ang napinsala.

Lumalabas na 80 hektarya ang totally damaged habang ang partially damaged ay umabot sa 10,605 hektarya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply