P15-M printing machine nasabat ng OMB sa Maynila

TINATAYANG mahigit P15 milyong halaga ng printing machine at gamit sa paggawa ng label ng piniratang DVD ang nasabat ng Optical Media Board (OMB) sa Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na ni-raid ng mga operatiba ng OMB ang Stargate Graphics at inabutang naglilimbag ng label ng mga pelikulang kasali sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF) ang tatlong makina sa loob nito.

Lumabas sa imbestigasyon na nakapangalan sa isang Walfredo Orlanda ang printing shop at kumpleto sa dokumento at permit ang establisimyento.

Paliwanag ng kapatid ng may-ari, hindi nila alam na bawal ang tinanggap nilang trabaho.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply