P15-M ukay-ukay mula sa Hong Kong nasabat ng BOC

TATLONG 40-footer container van na naglalaman ng may P15 milyong halaga ng used clothings ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) mula sa Hong Kong.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, nasabat ang dalawang container van na naka-consign sa Rosvie Enterprises at idineklarang assorted housewares, carpet, bags, toys at children’s books.

Habang idineklara naman ng consignee na Javeson Trading bilang assorted lamps at furniture ang isa pang nasabat na van.

Ang mga kargamento ay nakumpiska matapos idaan sa x-ray scanner sa MICP.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa section 2503 ng
Republic Act 4653, na nagbabawal sa pag-aangkat ng used clothing ang
mga opisyal ng mga nabanggit na kompanya.

Ayon sa opisyal, kanilang irerekomenda sa Department of Social Welfare
and Development na mai-turn over ang mga nakumpiska para magamit ng ating kababayan sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply