P1B pinsala sa imprastraktura sa Mindanao, kinumpirma

KINUMPIRMA ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na aabot sa halagang  P1 bilyon ang inisyal na pinsala sa 30 imprastraktura dulot ng bagyong “Sendong” sa Northern Mindanao.

Ito ay base na rin sa inilabas na report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 10.

Nabatid na aabot umano sa 16 na mga proyekto sa kalsada ang nasira, siyam na mga tulay, drainage at flood control.

Dahil sa sobrang pinsala sa Northern Mindanao partikular na sa dalawang lalawigan ng Cagayan de Oro at Iligan City ay dumagsa naman ang tulong na dumating  mula sa ahensya ng gobyerno at sa ibang bansa upang mapadali ang  pagkumpuni sa mga imprastraktura na nasira dahil sa matinding salanta ng bagyong “Sendong” noong Disyembre.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply