P1B pondo para sa DPWH pinalalabas na

PINALALABAS na ng pamahalaan ang halagang P1 bilyon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na gagamitin sa preventive maintenance ng mga national roads sa buong bansa.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad ang pondo ay gagamitin sa 139.627 kilometers na pagsasaayos ng mga kalsada.

Galing umano ang naturang pondo sa special support fund ng Motor Vehicle Users Charge.

“The P1-billion release is consistent with the commitment of the Aquino administration to improve and rehabilitate the country’s roads to optimize its structural soundness and lengthen their design life,” ani Abad.

“The DPWH has made a commitment to have 15,872-kilometer national arterial roads to be 100 percent paved by 2014.”

Inaasahan naman na sa lalong madaling panahon ay matapos ang nasabing proyekto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply