P35 milyon tinanggap ng Makati sa DILG

TUMANGGAP ng P35 milyon na insentibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamahalaang lungsod ng Makati makaraang pumasa sa pamantayan para sa 2011 Seal of Good Housekeeping sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Sinabi ni Makati Mayor Jejomar Erwin Binay na gagamitin nila ang naturang premyo sa pagbili ng mga kagamitang medikal at sa emergency response.  Nasa P5 milyon ang ipambibili ng bagong ultrasound
machine habang ang nalalabing P30 milyon ay gagamitin sa ekspansyon ng kanilang Makati Risk-Sensitive Urban Redevelopment Project.

“The seal of good housekeeping serves to affirm that we are on track in harnessing information technology to enhance our systems and processes towards promoting greater transparency and efficiency,” ayon kay Binay.

Nakuha umano nila ang naturang pagkilala dahil sa pagpapalakas ng partisipasyon at pagpaplano ng mga programa buhat sa burukrasya sa pamahalaang lungsod hanggang sa level ng barangay.

“From the planning stage, we allow our key stakeholders to participatein the formulation of programs and projects as well as relevant policies.  This has also resulted in well-coordinated and aligned programs of action from the grassroots up, as well as timely implementation and effective budgeting of resources,” dagdag nito.

Ngayong taon, palalawakin ng pamahalaang lungosd ang programa nila sa disaster risk reduction buhat sa kanilang pilot site sa Brgy. Rizal tungo sa pagsakip na rin sa eastside cluster kabilang ang East Rembo, Comembo, at Pembo at West Rembo ng Northeast Cluster. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply