P37-M shabu narekober ng BoC, PDEA

TINATAYANG mahigit P37-milyong halaga ng shabu ang narekober ng mga awtoridad kasama ang mga laboratory equipments, na nakapaloob sa mga container vans.

Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon, tumambad sa kanila ang nasabing mga ebidensiya matapos buksan ang anim na mga 20-footer container vans sa lungsod ng Maynila.

Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, sinasabing galing ng Taiwan ang nabanggit na mga kargamento.

Ang isinagawang inspection ay kasunod ng reports na natanggap ng PDEA hinggil sa tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa, lulan ng nasabing mga container vans.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply