P3M tinupok ng apoy sa Binondo

TINATAYANG aabot sa halagang P3 milyong halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy matapos sumiklab ang sunig sa isang commercial building sa Binondo, Maynila kagabi (Enero 1).

Nabatid na nagsimula ang sunog dakong alas-7:00 ng gabi na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire out ganap na alas-11:30 ng gabi.

Natupok ng apoy ang may 10 bodega ng styrofoam at office supplies sa isang gusali sa kahabaan ng Caballeros st. sa Binondo, Maynila.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Fire Bureau, posibleng nagsimula sa sinindihang kuwitis na paputok ang sanhi ng naturang sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy namang bineberipika ng Manila Fire Bureau ang impormasyon mula sa ilang testigo na kuwitis ang dahilan kaya sumiklab ang sunog sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply