P450M Iloilo River project ni Drilon aprub na

HINDI matatawaran ang pagkiling ng administrasyon kay Sen. Franklin Drilon matapos matuklasan na inaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang P11.2 bilyong Jalaur River Multi-Purpose Project sa Iloilo nang ipalabas ang halagang P450 milyon bilang counterpart funds.

Sa nakalap na impormasyon sa pagpasok ng 2012, sinabi ni Drilon na nakatakda nang simulan ang P11.2 bilyong proyekto sa lalawigan partikular ang pagsasagawa ng engineering design ng National Irrigation Administration (NIA) matapos ipalabas ni PNoy  ang P450 milyong inisyal na pondo para sa proyekto.

“Ang pangyayaring ito ang dahilan kung bakit mayroong positibong pananaw ang mga Ilongo para sa 2012 hinggil sa kaunlaran sa ekonomiya at paglikha ng hanapbuhay,” ani pa ni Drilon. “May dahilan kami para maging optimistiko.”

Sinabi ni Drilon na luminaw ang landas sa pag-aapruba sa proyekto ng National Economic Development Authority (NEDA) Invesmtnet Cabinet committee noong nakaraang Disyembre 20 sa nilagdaang memoramdum of understanding sa pagitan ngDepartment of Agriculture at Export and Import Bank of Korea (Exim Bank) sa Palasyo noong Nobyembre 2011.

Isa lamang ang lagdaan sa MOU sa tatlong araw na pagbisita ni South Korean President Lee Myung-bak sa Pilipinas sa imbitasyon ni Pangulong Aquino noong nakaraang Nobyembre. Lumagda sa kasunduan sina Agriculture Secretary Proseso Alcala sa panig ng Pilipinas at Prsident Kim Yong-hwan ng Korea Export-Import Bank.

Sinabi pa ni Drilon na aabot sa P11.212 bilyon ang aktuwal na gastusin sa proyekto na kukunin sa P8.95 bilyong utang mula sa Export-Import Bank of Korea habang P2.2 bilyon naman ang ilalaan ng bansa bilang counterpart funds ng gobyerno.

Bahagi naman ang P450 milyong ipinalabas ni PNoy ngayon ng counterpart funds ng gobyerno na gagamitin bilang pondo sa engineering design at iba pang inisyal na pagkilos sa proyekto.

Isang irrigation priority project ni Drilon ang JRMP II na pingungunahan ng Department of Agriculture upang makatulong sa programang sapat na bigas ng bansa. Bukod dito, kabilang din sa benipisyong makukuha ng residente ng lalawigan ang paglikha ng elektrisidad at sapat na suplay ng tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply