P5B inilaan sa mga lugar na walang kuryente

NAGLAAN ang Department of Energy (DoE) ng P5 bilyong pondo para sa paglalagay ng kuryente sa mga lugar na walang suplay ng enerhiya sa mga kanayunan.

Kasabay nito, umaasa si Energy Secretary Jose Rene Almendras na mabibigyan na ng access ang nakararaming Pilipino sa enerhiya na makatutulong sa pag-asenso ng mga kabayanan sa pagpapasigla ng merkado.

Naniniwala ang kalihim na habang dumarami ang mga lugar na kanilang nabibigyan ng kuryente ay mas lumiliwanag ang magandang kinabukasan ng susunod na salinlahi.

Sa pinakahuling datos ng Department of Energy, nasa kabuuang 33 pa ang mga barangay sa Pilipinas ang walang kuryente, at 17 sa mga ito ay nasa Luzon habang 16 naman ang nasa Mindanao.

Nailawan na ang lahat ng 11,442 barangay sa Visayas.

Target ng DOE ang 100% barangay electrification at 90% household electrification pagsapit ng 2017. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply