P6-M naabo: warehouse sa Leyte nasunog

NATUPOK ang warehouse ng Wella Metal Corporation sa Barangay Calogcog, Tanauan, Leyte, kaninang madaling araw, Enero 9.

Nabatid sa mga manggagawa sa pagawaan ng furniture, biglaan ang pag-apoy bandang alas-3:45 ng umaga, habang sila ay natutulog.

Natupok ang buong warehouse, kung saan nakalagay ang mga finished products na mga furniture at ang mga raw material ng mga ito.

Kasama rin sa mga nasunog ang isang sasakyan na ginagamit para sa pagde-deliver ng mga furniture.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagmula ang sunog na nakapinsala ng may P6 na milyon sa sumabog na circuit breaker.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply