P680M pondo para sa MMDA inilabas na

INILABAS na ang P680 milyong pondo para sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gagamitin sa flood control at solid waste management projects matapos itong aprubahan ni Pangulong Benigno Aquino.

Mula sa nasabing pondo kukunin ang P295.6 milyon para sa konstruksyon ng pumping station sa Salapan Creek sa San Juan City.

Ang itatayong Salapan Creek ay siyang kokontrol sa pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod ng Quezon.

Ayon naman Budget Secretary Butch Abad, P154.4 mliyon naman ang ilalaan sa urban renewal flood control at traffic management projects sa buong Metro Manila habang P230 milyon naman para sa garbage disposal and management.

Sasagutin naman aniya ng National Housing Authority (NHA) at concerned local government units ang mga gagastusin sa relokasyon ng mga informal settlers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply