P7-M fund pa inilabas sa CDO at Iligan workers

IPINALABAS na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang karagdagang P7 million na ayuda para sa manggagawang nabiktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ang karagdagang pondo ay dagdag sa nauna nang P10 million Emergency Employment Fund na inilabas ng DOLE Region 10 na naglalayong mapabilis ang recovery ng mga trabahador.

Magmumula ang pondo sa Worker’s Income Augmentation Program ng kagawaran para sa taong 2012 na nagkakahalaga ng P31.007 million.

Sa ngayon ay may 327 manggagawa mula sa Iligan at Cagayan de Oro City na ang tinutulungan ng DOLE.

Sinabi ni Baldoz na ang mga trabahador na nawalan ng trabaho matapos magsara ang kanilang pinapasukan ang kwalipikado para sa package assistance ng kagawaran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply