P78B inilaan ng DPWH sa national roads

NAGLAAN ang  Department of Public Works and Highways ng P78.099 bilyon o 78 porsiyento ng 2012 capital outlays budget nito na P99.49 bilyon sa ilalim ng inaprubahang  General Appropriations Act (GAA) or RA 10155.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio L. Singson ang malaking bahagi ng DPWH budget ay kailangang mapunta sa  rehabilitation, widening, upgrading at konstruksyon ng national roads upang ang target na  100 porsiyentong pavement  ng  15,872 km kabuuang haba ng national arterial roads sa  2014 at 15,370 km sa mga national secondary roads sa 2016 ay maisakatuparan.

Totoo sa mandato ng DPWH kaya’t nakatuon ang mga gawain ng ahensya sa pagpapaunlad pa lalo ng kalidad at kaligtasan ng mga pambansang kalsada na hindi binigyang pansin ng mga nakalipas na administrasyon sa hindi maayos na pagpili ng mga proseso sa pagbibigay ng halaga sa mga proyekto sa pambansang kalsada.

Sa ngayon, ayon kay Singson, 81 porsiyento sa national road network ang sementado kung saan 15 porsiyento sa mga ito ay kailangang ng rehabilitasyon. Sa mga  pambansang tulay ay 10,594 lineal meters ang nakaiskedyul para sa reconstruction, 40,675 lineal meters ang kukumpunihin at 10,935 lineal meters na pansamantalang tulay ang gagawing permanente.

Sa taong ito ay bibigyang halaga ng ahensya ang upgrading ng kalidad at kaligtasan ng mga national roads sa pagsesemento at pagpapalapad ng mga arterial roads na bumabagtas patungo sa mga destinasyon ng mga turista, paliparan, RORO ports, food production areas at economic zones. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply