Pabahay para sa mga guro, ikinakasa

PATATAYUAN ni Quezon City Mayor Herbert M. Bautista ng pabahay o housing units sa Cubao ang mga pampublikong titser ng lungsod na kanilang uupahan sa presyong abot-kaya lamang.

Sa karagdagan na dalawang socialized housing projects na ngayon ay kasalukuyang itinatayo, ang Bistekville 1 sa Barangay Payatas at ang Bistekville 2 sa Barangay Kaligayahan, pasisinayahan ni Mayor Bautista ngayong taon ang Kalantiaw Housing Project ng lungsod na Housing and Urban Renewal Authority, Inc (HURA).

Ilulunsad ang Kalantiaw project upang magtayo ng housing units na ipauupa sa mga  QC public school teachers na ayon sa pag-aaral na ikinasa kamakailan lamang ay karaniwang nagungupahan lamang malapit sa kanilang trabaho, ayon sa HURA president at general manager na si Manuel Sabalza.

Ang pinaplanong proyekto ay may dalawang medium-rise buildings na ititirik sa 2,000 square meter na lupa sa Kalantiaw st. Project 4, QC. Ang proyekto ay may proposed total budget na P91,058,460.

Kapag natapos,  ang bawat isa sa gusali ay mayroong commercial spaces na pare-rentahan sa ground floor. Ang mga commercial units ay may floor area na mula 24 hanggang 48 square meters.

Ang ikalawang palapag sa bawat gusali ay mayroong 36 units na may 24 square meters ang laki habang ang ikatlong palapag naman ay mayroong 36 units pero ang sukat nito ay 22 square meters lamang . Para naman sa ikaapat na palapag, ang bawat unit ay mayroon lamang 18 square meters.

Hiwalay naman ang sa panlalaki at pambabaeng dormitory sa ikalimang palapag na mayroong common comfort/bath room, receiving area, mess hall at study room. Makakaokupa ang may 100 titser sa ikalimang palapag ng bawat gusali. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply