Pacman bumili ng ektaryang lupa para sa biktima ng bagyo

KUMPIRMADO ang ulat na bumili ng lupa si Sarangani congressman Manny Pacquiao para sa mga naging biktima ng kalamidad sa General Santos City noong nakaraang taon.

Ayon sa panayam sa radyo kay Rose Tamayo, information officer ni Pacman, dalawang ektarya ng lupa ang binili ng kongresista sa Tango, Glan, Sarangani Province at nakatakdang ibigay ito sa may 180 pamilya na nakatira sa baybayin ng Tango na tinamaan ng kalamidad ng nakaraang taon.

Nilinaw din ni Tamayo na mula sa sariling bulsa ni Pacquiao ang perang ginamit sa pagbili ng naturang mga lupain na kaniyang ininspeksyon kahapon.

May 1.5 hectares din aniya ang binili si Pacquiao para sa relocation site.

Si Manny ay tumira noon sa Tango, Glan, Sarangani Province.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply