Pacman oks maging tourism image endorser kahit libre

KAHIT walang talent fee, nakahanda si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na maging tourism image endorser ng Pilipinas.

Ito ay ayon sa kanyang public information chief na si Rose Tamayo.

Ani Tamayo, handang tumulong si Pacquiao upang mapalakas pa ang turismo sa bansa.

Nais ni Pacman na makilala sa buong mundo ang Pilipinas hindi lamang sa larangan ng palakasan kundi pati na sa angkin ganda nito.

Bukod dito, hangagd din ng Pambansang Kamao na ipakita sa mundo ang positibong ugali ng mga Filipino, gaya ng pagiging hospitable.

Na-inspire kasi si Pacquiao na suportahan ang turismo ng bansa makaraang makipagkita kay Martin Biancolli, isang Uruguayan na sikat na siklista mula sa Spain.

Si Biancolli ay umiikot sa buong mundo gamit ang kanyang bisikleta.

Ang sikat na siklista ay nakarating na rin sa Sarangani province at General Santos City, mga balwarte ng Pambansang Kamao.

Bongga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply