Pacman pasok sa top 100 powerful athletes

KINILALA ng Bloomberg at Businessweek si Rep. Manny Pacman Pacquiao bilang isa sa mga pinaka-makapangyarihang atleta sa mundo.

Sa inilabas na listahan na tinawag na Power 100 2012, lumabas na nasa ika-28 si Pacman habang ang karibal naman nito na si Floyd Mayweather, Jr. ay nasa ika-49 lamang.

Nabatid na halos kumita ng $50 million si Pacman at malaking bagay rito ang mga sponsor nito.

Tanging sina Pacman at Mayweather lamang ang mga boksingero na nakapasok sa Top 100.

Nangunguna sa listahan ang mga sikat na American football player tulad nina quarterbacks Drew Brees, Aaron Rodgers at Tom Brady.

Nasa ika-apat na pwesto naman si basketball star Lebron James habang nasa ika-lima naman si tennis star Rafael Nadal.

Samantla inamin na ni Top Rank Big Boss Bob Arum na wala nang pag-asa matuloy ang laban ni Pacquiao at Mayweather sa Mayo.

Ayon kay Arum, hindi talaga uubra si Pacman sa Mayo ngunit ang sa ngayon ay gumagawa sila ng paraan para magkaroon ng laban ang dalawa sa Nobyembre.

Tiniyak ni Arum na magkikita sa lona ang dalawang boksingero dahil alam naman nila na ito ang pinakaaabangang laban sa boksing ngayon.

Kasabay nito, iginiit ni Arum na mahirap talaga makausap si Mayweather dahil pabagu-bago ito ng isip bawat araw kaya wala silang mabuong kasunduan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply