Pacquiao, Cotto fight lalangawin

NANINIWALA ang maraming kritiko na hindi kakagatin ng fans sakaling matuloy ang ikalawang digmaan sa ring nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto.

Ayon sa sports analyst na si Darren Barcomb, pagkakakitaan lamang ni Bob Arum ang dalawa at alam na ito ng boxing world.

Sinabi ni Barcomb na wala nang credibility at marketability ang boxing dahil sa ginagawa ni Arum.

Ito rin ang dahilan kaya nasasapawan na ng mixed martial arts (MMA) ang boxing.

“Remember when promoters went out of their way to give fight fans the matchups they wanted to see? And people wonder why MMA is overtaking Boxing in ratings and popularity…It’s all about credibility and marketability, and Pacquiao vs. Cotto II lacks both,” sabi ni Barcomb.

Malaki rin ang paniniwala ni Barcomb na pinaglalaruan lamang ni Arum ang fans dahil ayaw naman talaga nitong matuloy ang laban nina Floyd Mayweather at Pacquiao.

Ang talagang gusto ni Arum ay sina Cotto, Lamont Peterson, Juan Manuel Marquez  at Timothy Bradley dahil kapwa niya mahahawakan sa leeg ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply