Pacquiao gagawing Bible ambassador ng CBCP

PLANO ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gawing ‘Bible ambassador’ si Pambansang Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao.

Sinabi ni Pampanga Auxiliary Bishop Pablo David, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Biblical Apostolate, na hihingiin nila ang tulong ni Pacquiao upang palakasin ang Biblical Apostolate ng simbahan sa bansa.

Paliwanag ng obispo, mahilig magbasa ng Banal na Bibliya ang mambabatas kaya’t kung gagawin itong Bible ambassador ng Simbahang Katolika ay higit umanong mabibigyan ng inspirasyon ang mga mamamayan na magbasa ng mga Salita ng Diyos.

“Manny has always been very religious and we are happy that he is deepening his faith and his understanding of the Bible,” ayon kay David. “That’s why I asked him if he could partner with us in promoting the reading of the Bible among Catholics.”

Ayon kay David, kumbinsido siya na ang popularidad ng Pambansang Kamao ay magiging malaking tulong sa pagsusulong hindi lamang ng Bible readership kundi upang magkaroon ng Bibliya ang lahat ng tahanan sa bansa.

Aniya, lahat ay kanilang gagawin upang maging available lamang ang mga Bibliya sa mga mamamayan.

Nabatid naman na bukod kay Pacquiao ay plano rin ng CBCP na hingiin ang tulong ng iba pang mga personalidad upang palakasin ang kanilang kampaniya.

May mga obispo na umano na inatasan upang makipag-ugnayan sa ilang personalidad at celebrities na may malaking impluwensiya sa mga mamamayan.

“Some of our known comedians are very serious people, very spiritual people and we are happy that they are partnering very closely with us,” ani David.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply