Pacquiao, GMA una sa absenerong kongresista

DALAWANG prominenteng kongresista ang kabilang sa may pinakamaraming absent sa 15th Congress.

Bagamat kabilang pa rin sa listahan ng mga absenero si Negros Rep. Jules Ledesma na kahit noong mga nakaraang Kongreso ay pinakaabsenero, naidagdag naman sa listahan sina Sarangani Rep. Manny Pacquiao at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Batay sa record ng House of Representatives Secretary-General, mula noong January 17 hanggang December 14, 36 beses lamang pumasok si GMA sa may 59 na sesyon dahil na rin sa pagkakaroon ng karamdaman at ngayon ay ang pagkaka-hospital arrest kaugnay sa kasong electoral sabotage.

Luminya sa nangungunang absenero si Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo na walong beses lamang nakadalo ng sesyon dahil sa kasong graft at nakabinbing warrant of arrest mula sa Sandiganbayan.

Si Pacquiao ay nakapagtala lamang ng 24 na pagpasok bunsod ng sunud-sunod na laban sa ibang bansa.

Kasunod din ni Ledesma sa may pinakamaraming absent sina Cagayan Rep. Jack Enrile at Agusan del Sur Rep. Valentina Plaza na 30 beses lamang dumalo ng sesyon.

Naitala rin sa pala-absent ang magtiyuhin na sina Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo at Negros Rep. Iggy Arroyo na karamihan sa mga pagliban ay walang opisyal na pasabi.

Sinabi ni House Secretary-General Marilyn Barual-Yap na 27 lamang sa 285 kongresista o 10 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga kongresista ang nakapagtala ng perfect attendance kabilang sina House Speaker Feliciano Belmonte at House Minority Leader Edcel Lagman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply