Pacquiao-Marquez IV kasado na

POSIBLENG maisara na ang deal para matuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa ika-apat na pagkakataon.

Ito ay matapos dumating kanina si boxing promoter Bob Arum sa Maynila para ayusin at alamin kay Pacquiao kung sino ang gusto nitong makakaharap sa Hunyo.

Subalit ang pinakagusto umano ni Arum ay walang iba kundi si Marquez.

Bukod kay Marquez, nasa listahan din sina Miguel Cotto, Lamont Peterson at Tim Bradley na pawang mga alagad ni Arum.

Dahil sa pangyayari, malabo nang matuloy ang laban ni Pacman kay Floyd Mayweather Jr. sapagka’t ayaw din itong ikasa ni Arum, ayon kay Oscar De La Hoya.

Ayon kay De la Hoya, presidente ng Golden Boy Promotions, si Arum ang pinakautak ng pagkakaantala ng laban nina Pacquiao at Mayweather.

Nabatid na hindi aalis ng bansa si Arum hangga’t hindi napapagpasyahan ang magiging makakalaban ni Pacman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply