Pacquiao, Mayweather sa 147 lbs – Roach

KAHIT hindi pa siguradong matutuloy, sinabi ni Freddie Roach na mas gusto niyang maglaban sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa 147 lbs.

Si Pacquiao ay may hanggang bukas na lamang para magdesisyon kung lalaban siya kay Mayweather sa May 5.

Maging si Roach ay nais ding si Mayweather na lamang ang haharapin ng kanyang alaga.

Habang isinusulat ito, nasa Pilipinas pa rin si promoter Bob Arum para kausapin si Pacquiao kung sino ang gusto niyang makaharap.

Una nang sinabi ng kampo ni Pacman na kung sakali mang matuloy ang laban, ilalatag nila ang 50-50 na hatian sa kita.

Subalit sinabi ni Roach na sakaling magdesisyon si Pacman ay marami pang aayusin gaya ng financial, tests at iba pang terms sa deal.

Samantala, naghamon na naman kahapon si Mayweather sa Twitter kung saan sinabi niyang itataya niya ang kanyang korona sa laban nila ni Pacquiao.

“I’m ready to put up my belt. What about you Manny Pacquiao? Let’s make history,” pahayag ni Mayweather.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply