Pag-amin ni Genelyn, ebidensiya ni Janelle

GAGAMITING sandalan ng kampo ni Janelle Manahan ang pag-amin ni Genelyn Magsaysay na nasa pag-iingat nila ang laptop ng pinaslang na si Ramgen Revilla na naglalaman ng sex video ng magkasintahan upang magsampa ng kasong paglabag sa Anti-Voyeurism Act of 2010 laban sa mga ito.

Ayon kay Atty. Argee Guevarra, isa sa mga abogado ni Manahan, hinihintay lamang nila ang pagdating ng kanilang kliyente mula sa pagbabakasyon sa Bicol bago isampa ang kaso laban sa magkakapatid na Ramon Joseph, Maria Ramona at Gail Bautista na hinihinalang may kagagawan sa pagkakalat ng sex video.

Matibay aniya ang kanilang magiging ebidensiya dahil mismong ang ina ng magkakapatid na si Genelyn ang umamin sa panayam sa kanya matapos ang isinagawang preliminary investigation na nasa kanilang pag-iingat ang laptop ni Ramgen.

Nauna rito, kinumpirma rin ni Manahan na may sex video sila ng kasintahang si Ramgen na naka-imbak sa laptop ng kasintahan.

Ang tanging aalamin na lamang ng kampo ni Manahan ay kung sino sa magkakapatid ang nag-upload ng sex video dahil sila lamang ang may hawak ng laptop ng namatay.

Sa panig naman ni Atty. Jeffrey Gepte, inamin niya na nasa pangangalaga nga ng pamilya ni Ramgen ang kanyang laptop subalit wala aniyang kinalaman ang kanyang kliyente sa pagkalat ng sex video dahil kapatid nila ang napatay at biktima rin dito.

Bukod dito, hindi rin aniya mabubuksan ng magkakapatid ang mga nakalagay na sex video sa laptop dahil hindi nila alam ang password na tanging ang napaslang lamang ang nakaaalam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply