Pag-amyenda sa ‘Optical Media Act’ isinusulong

ITINUTULAK ng Optical Media Board (OMB) ang pag-amyenda sa “Optical Media Act” upang mapanagot din sa batas ang mga may-ari ng malls na hinahayaang makapagtinda ng pirated DVDs sa kanilang mga establisimyento.

Sa kasalukuyan, hindi sakop ng batas na makasuhan ang mga may-ari ng mall gayundin ang mga bumibili ng mga pirated DVD.

Samantala, umani ng batikos si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas matapos na maaktuhang bumibili ng piniratang DVD sa isang mall sa Quezon City kamakailan.

Kaugnay ng pangyayari, nadismaya dito si OMB chairman Ronnie Ricketts.

Aniya, mahihirapan ang ahensya na ipatupad ang batas dahil mismong opisyal ng gobyerno ang bumabali rito.

Magugunitang, pinayuhan pa niya si Llamas na maging mabuting ehemplo sa publiko.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply