Pag-angat ng ekonomiya siniguro ngayong taon

SINIGURO na ng Malakanyang sa publiko ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa 2012 sa kabila ng survey na nagsasabing humina ang ekonomiya sa nakaraang taon.

Sa survey ng Pulse Asia, lumabas na 38 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang humina ang ekonomiya sa 2011 kumpara sa 2010.

Ang survey na isinagawa noong Nobyembre 10-23, 2011 ay nagsasabi ring 18 percent lamang ang tiwalang gumanda ang takbo ng ekonomiya.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, inaasahan nilang bababa ang numero sa susunod na araw lalo pa nagsimula na ang ‘frontloading’ para mapalakas ang ekonomiya ngayong taon.

Ayon kay Valte, ang survey ay snapshot sa sentimiyento ng mga na-survey at hindi masabi kung repleksyon ito ng tunay na kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply