Pag-ihi sa bangkay ng Taliban fighters iniimbestigahan

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang United States (US) Military hinggil sa kontrobersyal na video na nagpapakita sa ilang marines na iniihian ang mga bangkay ng Taliban fighters.

Kasalukuyang kumakalat sa ilang websites sa internet ang naturang video na makikita ang mga lalaking unipormado ng pang-militar.

Ayon sa isang senior marine corps official, hindi pa nila nabeberipika ang pinagmulan at kung lehitimo ba ang naturang video.

Aniya, sakaling mapatunayan, itinuturing na war crime ang pambabastos sa mga bangkay ng mga napatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply