Pag-ulan ng isda sa Agusan sinisiyasat ng BFAR

SINISIYASAT na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang umano’y pag-ulan ng isda sa Loreto, Agusan del Sur.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, nagpadala na sila ng mga eksperto sa lugar para matukoy ang katotohanan sa insidente sa Barangay Poblacion.

Nauna ng inihayag ni Loreto Vice Mayor George Legaspi na nagkagulo ang mga residente matapos bumagsak ang mga isda mula sa kalangitan kasabay ng buhos ng ulan.

Hindi pa matukoy kung anong mga uri ng isda ang bumagsak sa lupa na hiinihinalang nagkaroon ng buhawi sa ilog kaya tinangay ang mga ito ibinagsak sa lupa na parang ulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply