Pag-ulan sa MM, sanhi ng tail-end cold front

HINDI epekto ng cyclone o weather disturbance kundi sanhi ng tail-end ng isang cold front ang nasa likod ng pagbagsak ng ulan sa ilang parte ng Metro Manila kaninang umaga, ayon sa ulat ng  weather forecasters.

Sinabi rin ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Aldczar Aurelio na ang mga pag-ulan sa Mindanao ay tatagal pa ng hanggang Martes.

Nagbabala rin ito na ang tail-end ng isang cold front ay maaaring magdulot ng flash floods at landslides sa ilang parte ng Southern Luzon at Eastern Visayas at Mindanao.

Sa alas 10 a.m. advisory, sinabi ng PAGASA na ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply