Pagbangon mula sa pagkalugmok (2)

MULA sa pagiging mahirap ay nagawa ni Paula na makasabay at makatugon sa hamon ng buhay sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga. Hanggang sa dalhin siya ng kanyang kapalaran sa bansang Malaysia.

Mula sa hirap ng katawan, hirap ng trabaho at maging sa hirap ng pagkakaroon lamang ng tourist visa sa halip na working visa ang tiniis ni Paula para lang mapag-aral ang kanyang tatlong anak at upang makatulong sa kan-yang mga kapatid na naririto sa Pilipinas.

Naranasan din niya ang minsang makulong dahil sa pagiging isang ‘turista’ niya sa nasabing bansa. Dito ay naranasan niya ang labing siyam na araw na maituturing niyang isa sa mga pinakamabibigat na pagsubok sa kanya.

“Nakulong ako rito ng 19 na araw, first time in my whole life, na wala kang kakainin. Ang kakainin mo ay panis na kanin, matigas na panis. And then yung isda siguro ay tatlong beses nang iprinirito, ulo pa. Then, ang tubig, hindi mo alam kung ano ang lasa,” kuwento niya.

Sa kabila ng mga hirap na ito, na ayon kay Paula ay napakalaki ng naitulong sa kanya upang maabot ang tagumpay, ay patuloy si-yang nagsikap para sa kanyang pamilya at pangarap na balang araw ay makaahon sa pagkalugmok sa kahirapan, na hindi nagtagal ay kanya ring naabot.

Napagtapos niya ang kanyang mga anak, na sa kasalukuyan ay may kanya-kanya nang buhay.  “Ang aking panganay ay abogado na ngayon, tapos siya ng masters degree in Philosophy, tapos siya ng political science at ngayo’y lec-turer ng university na nandito na sa Malaysia at sa Manila University. Ang pangalawa ko is tapos ng hotel and restaurant management.”

Natulungan rin niya ang kanyang mga kapatid na ang ilan ay nadala na niya sa Malaysia at doon na namumuhay.

Ang kanyang pamilya na inaalala noon ay pawang nasa maaayos nang kalagayan sa ngayon at mayroon nang kanya-kanyang tahimik na buhay.

Mula sa anak na abogado, lecturer at manager at sa mga kapatid na natulungan na niya, ay nakapagtayo rin si Paula ng sarili niyang restaurant, mayroon na rin siyang isang negosyo na nagtitinda ng mga produktong Pinoy at kung tawagin ay ‘Tatak Pinoy, na malaki ang naitutulong hindi lamang sa kanya kundi maging sa ating bansa, upang higit na makilala sa ibang bansa ang ating mga produkto.

Mula sa mga ito ay masasabi ring tagumpay ni Paula ang pagkakaroon ng isang asawa na laging nakasuporta sa kanya at laging handang tumulong sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply