Pagbangon mula sa pagkalugmok

“Every day is a test of time. It’s how you handle life pains. It’s how you bear the pains.”

Hindi man lahat ng tao ay ipinanganak na mayaman, subalit ang bawat isa ay binigyan

ng tsansa na piliin ang daan na kanyang tatahakin sa buhay.

Isang pribilehiyo na maituturing ang pagkakaroon ng bawat isa sa atin ng freewill o

ng kalayaan na makapagdesisyon sa bawat sitwasyon ng buhay na ating kinakaharap.

Sa aking pagbisita sa bansang Malaysia ay nakilala ko ang Pilipinang si Paula, sa kanyang pananalita ay mababakas ang mga aral ng buhay na kanyang natutunan mula sa marami niyang pinagdaanan bago niya narating ang kanyang kinalalagyan sa kasalukuyan.

Isinilang at lumaki si Paula sa lalawigan ng Batangas. Siya ang panganay sa sampung magkakapatid.

Ang kanyang ama ay isang mangingisda na umaasa sa mga isdang mahuhuli sa dagat at ang kanyang ina naman ay isang mananahi.

Dahil sa kahirapan ay kinailangan na mag-working student si Paula, upang makapagtapos ng pag-aaral.

“Sa aming hirap, ang aming ginawang magkakapatid ay talagang kami ay nagsikap na mag-aral lahat. Almost all of us are working student.” Kwento niya.

Bilang nakatatandang kapatid ay siya ang naging katuwang ng kanyang ama at ina.

Naranasan niyang maging isang tindera sa palengke katulong ng kanyang ina.

Nang pumanaw ang kanyang ina, taong 1988 ay lalong nadama ni Paula ang bigat ng responsibilidad na naatang sa mga balikat niya.

Sa kabila ng kahirapan na kanyang pinagdaraanan ay pagsisikap at pagtitiyaga ang naging katuwang niya. Ito ang kanyang naging legacy at sandalan sa pagharap sa hamon ng kahirapan.

“Sa aming hirap, kami ay nagsikap, and that is legacy na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon.” Wika niya.

Nang makapagtapos ng pag-aaral ay hindi nag-atubili si Paula na mangibang bansa.

Nakarating siya ng Saudi Arabia upang maging isang katulong. Mula roon ay nakarating rin siya sa Egypt at doon ay nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan ang medical line, sapagkat ang kanyang mga naging amo ay pulos mga doctor at doktora.

Mula sa bansang Egypt ay napunta si Paula sa Taiwan kung saan ay nagtrabaho siya sa home for the aged. Narating rin niya ang Macau, Thailand, Singapore at Korea.

Hanggang sa marating niya ang bansang kanyang kinaroroonan ngayon- ang Malaysia.

Sa kabila ng takot at pangamba na baka siya mahuli, sapagkat ang kanyang visa at pang turista ay hindi nag-atubli na magtrabaho si Paula roon para sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

“Bawat paglabas ko ng bansa ay laging pakikipaglaban, laging pakikipagsugal sa buhay.” Aniya.

Nagtrabaho si Paula sa isang Clinic sa Malaysia sa umaga at paggabi naman ay nagtatrabaho siya bilang isang waitress sa isang pub house. Minsan ay dumadating sa punto na halos isang oras na lamang ang kanyang ginugugol sa pagpapahinga at pagtulog.

“Kahit nakapagtapos ako ng pag-aaral, kapag nasa ibang bansa ka, hindi mo iintindihin

kahit tatlong degree pa ang tinapos mo. Kaylangan talaga you really have to work hard,” wika ni Paula. (May Karugtong).

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply