Pagbasura ng PD1899 ipinanawagan ng CMP

MARIING nanawagan ang Chamber of Mines of the Philippines (CMP) na ibasura na ang PD 1899 o Small Scale Mining Decree of 1984 na nagbibigay kapangyarihan sa mga gobernador na magbigay ng permiso sa pagmimina.

Sa halip, naniniwala ang CMP na ang Department of Energy and Natural Resources (DENR) ang tanging may sapat na hurisdiksyon sa pag-iisyu ng pahintulot sa lahat ng usaping may kaugnayn sa kapaligiran, lalo’t higit sa pagmimina.

Ito rin umano ang dapat may responsibilidad sa pangangasiwa ng yamang mineral sa  bansa.

Kumbinsido ang grupo na sa nangyari sa Compostela Valley, umaabuso ang maraming maliliit na negosyante na nagdulot ng ibayong pinsala sa mga residente doon.

Tuluy-tuloy naman ang pag-asiste ng grupo sa mga naapektuhang residente ng Napnapan, Pantukan Compostela Valley.

Kaugnay nito pananagutin, ang sinumang responsable sa kapabayaan ng nangyaring landslide sa Compostella Valley na kumitil sa buhay ng 32 katao at iba pang nawawala.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi nito palalampasin ang pagkakataong mahanap ang mga pasimuno sa iligal na small-mining scale na posibleng malaking dahilan para gumuho ang lupa at magkaroon ng landslide sa Barangay Pantukan ng nabanggit na lugar noong Enero 5.

Titiyakin din ng Palasyo na malalagyan na ng markang “danger zone” ang mga lugar na mapanganib na tirhan ng mga residente.

Hindi na rin papayagang pabalikin sa site ang mga nakatira roon para na rin sa kaligtasan ng mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply