Pagbasura sa kasong rebelyon vs Ampatuans inaasahan na

HINDI na nagulat ang Malakanyang nang tuluyang ibasura ang kasong rebelyon laban sa mga Ampatuan.

Inamin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na inaasahan na nila na ganito ang magiging senaryo dahil bukod sa mahina ang kaso ay kakampi pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga Ampatuan.

Kanina ay pinagtibay ng Court of Appeals ang desisyon ng lower court na nag-aabsuwelto kina Andal Ampatuan Sr., Zaldy Ampatuan at iba pang miyembro ng angkan na sangkot din sa Maguindanao massacre case.

Sa ipinalabas na desisyon ni Associate Justice Elihu Ybañez, kinatigan ng appellate court ang March 2010 ruling ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 77 Judge Vivencio Baclig na walang sapat na basehan ang kasong isinampa laban kay dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao(ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan.

Maliban sa dalawa, inabsuwelto rin sa kaso sina Datu Anwar Ampatuan, Datu Sajid Islam Ampatuan, Datu Akmad Tato Ampatuan at iba pang akusado.

Sa kasalukuyan, nakakulong pa rin ang mga nabanggit dahil sa hiwalay na kasong kinakaharap kaugnay sa pagpatay sa 59 katao noong November 23, 2009.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply