Discount, normal sa real estate – Sen. Villar

HINDI umano maituturing na anomalya ang pagbibigay ng anumang diskwento sa pagbebenta ng real estate.

Ito ang sinabi ngayon ni Senator-judge Manny Villar, na kilala ring kapitalista at developer sa bansa.

Ayon kay Villar, nagaganap talaga ang pagbibigay ng discount ng mga negosyante bilang bahagi ng kanilang estratihiya upang makabenta.

Sinabi rin ng senador na tama lamang ang pagbibigay ng discount kapag na-damage ng bagyo ang ibenebentang unit.

Aniya, “Pag-inabot ng bagyo, may flexibility d’yan.”

Bago ito, sa pagtestigo ngayong hapon sa impeachment court ni Ginoong Noli Hernandez, ang SVP for marketing and sales ng Megaworld, sinabi nito na noong magkaroon ng water damage ang penthouse unit na binili ni Corona sa Bellagio ay binigyan nila ang punong mahistrado ng diskwento.

Nabili ni Corona ang nasabing unit sa halagang P14.5 milyon mula sa orihinal na presyo nito na P24 milyon.

Una mula sa P24 milyon ay naging P19 milyon ang unang napagkasunduang presyo, at binawasan pa ito ng P5 milyon para sa updated na pagbabayad ni Coorona sa nabiling penthouse.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply