Pagbibitiw ni Corona asam pa rin ng mga solon

HINDI pa man nauumpisahan ang pagdinig sa impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay ipinahayag ng prosekusyon na isang “welcome development” sakaling kusang magbitiw sa posisyon ang punong mahistrado tulad ng ginawa ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng 11-man team prosecution panel, malaking bagay kapag si Corona ay mapanagot sa kanyang mga kasalanan ngunit isa pang tinitingnan nila bukod sa mapaalis ito sa Korte Suprema ay ang tuluyang alisan ito ng karapatan na humawak ng anumang public office ng gobyerno.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Erin Tañada na malinaw ang layunin ng impeachment at kailangan munang pag-usapan at pag-aralan ng prosekusyon at mga senator judges ang usapin na pagtutuloy ng impeachment para naman sa hindi pagpayag na maupo muli sa anumang government o public office ang punong mahistrado.

Sa ngayon, patuloy ang prosekusyon sa pagkalap ng mga ebidensya at paghahanda para sa nakatakdang impeachment trial.

Tiwala si Quimbo na anumang oras ay handa nang sagutin at idepensa ng prosekusyon ang walong article of impeachment.

Kabilang aniya sa paghahahnda ay ang pagsasagawa nila ng mga pre-trial at maging ang mga trial briefs na pipinuhin na lamang aniya sakaling simulan na ang presentasyon sa Lunes, Enero 16.

Bukas (Enero 11) ng hapon ay magsasagawa ng ocular inspection ang 11-man House prosecution panel upang tingnan ang magiging set-up sa Senado.

“Whether an action full-blown trial will take place on that day or kung ang pag-uusapan pa dun ay preliminary issues na ni-raise ng defense, hindi namin alam. Pero paghahandaan namin kung ano man ang eventuality pagdating doon,” ayon kay Quimbo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply