Pagbili ng presidential plane oks sa Kongreso

SINUPORTAHAN ng mga kaalyado ni Pangulong Aquino sa Kamara ang plano ng Department of Budget and Management (DBM) na bumili ng bagong presidential plane.

Ayon kina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Eastern Samar Rep. Ben Evardone, Cavite Rep. Roy Loyola at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, dapat ay noon pa ito ginawa ng DBM na bumili ng bagong eroplano para sa Pangulo.

Sinabi pa ng mga mambabatas na bagamat maganda ang plano ng DBM ay maituturing pa rin itong long overdue subalit dapat bilhin dahil ang pinaka-importante ay hindi nakokompromiso ang kaligtasan ng Pangulo.

Subalit dapat ding maging malinaw na masiguro ang transparency sa pagbili ng naturang eroplano upang hindi magkaroon ng pagdududa ang taong bayan.

Ang reaksyon ng mga mambabatas ay bunsod sa pahayag ng DBM na bibili sila ng presidential plane para kay PNoy upang mapalitan ang 38 taong gulang na Foker 28 na ginagamit ng pangulo na binili pa noong 1979 ng Sentral Bank para kay dating pangulong Aquino.

Giit ng DBM, bukod sa hindi ligtas ang Pangulo, dito ay hindi rin praktikal na umarkila sila sa bawat lakad nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply