Pagbulgar sa terror threat, pambihira – Intel report

LABIS ang pagtataka ng isang arsobispo ng Simbahang Katolika sa ginawa ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na pagsasapubliko ng terror threat sa Pilipinas at sa mismong kapistahan pa ng Itim na Nazareno.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang naturang terror threat ay isang intelligence report na dapat ay kahuli-hulihang iniaanunsiyo sa publiko dahil ito’y pinananatiling sikreto.

Aniya, bibihira at ngayon lamang siya nakarinig na ang isang intelligence report ay ginawang ‘for public consumption’ at mismong pangulo pa ang nag-anunsiyo nito.

Naniniwala naman si Cruz na mahalaga ang pagpapalabas ng impormasyon tungkol sa terror threat subalit hindi dapat lumikha ng ‘unnecessary panic’ sa mamamayan.

Aniya pa, may iba namang pamamaraan nang pagsasabi hinggil sa ganitong seryosong banta.

Matatandaang mismong si PNoy ang nag-anunsiyo noong Enero 8, bisperas ng pista ng Itim na Nazareno,  na may natanggap silang intelligence report hinggil sa plano ng terrorist group na maghasik ng karahasan sa naturang relihiyosong okasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply